Magsino

Paglulunsad ng CongressTV hinangaan

Mar Rodriguez Jan 23, 2024
141 Views

PINAPURIHAN ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino ang paglulunsad ng makasaysayan at kauna-unahang CongressTV ng Kamara de Representantes (19th Congress) sa ilalim ng pamamahala at patnubay ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.

Sinabi ni Magsino, nangungunang advocate sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), na kahanga-hanga ang hakbang ni Speaker Romualdez bunsod ng paglulunsad ng CongressTV na isang epektibong platform para magkaroon ng transparency at public engagement ang Kongreso.

Ipinaliwanag ni Magsino na sa pamamagitan ng CongressTV, mas magiging accessible ang Kamara de Representantes sa mga mamamayang Pilipino. Habang matutugunan din nito ang “gap” sa ugnayan sa pagitan ng isang kongresista at kaniyang mga constituents partikular na sa mga malalayong lalawigan.

Bukod dito, naniniwala din si Magsino na magiging isang epektibong behikulo ang CongressTV para maipakita sa mga mamamayan ang ginagawa ng mga kongresista sa panahon ng session at makita ng taongbayan na nagta-trabaho at ginagampanan ng mga mambabatas ang kanilang trabaho.

“The launching of CongressTV under the guidance of Speaker Martin Romualdez is commendable step towards enhancing transparency and public engagement. I am also optimistic about the platform’s potential to bridge the gap between lawmakers and their respective constituents,” ayon kay Magsino.

Ayon naman kay Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na isang napaka-epektibong platform ang CongressTV sapagkat hindi lamang mapapanood dito ang deliberasyon ng Kongreso ang mga panukalang batas. Bagkos, maging ang pagsusulong ng mga pro-poor agenda ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Binigyang diin ni Valeriano na ang paglulunsad ng CongressTV ang “commitment: aniya ng Kamara de Representantes sa mamamayang Pilipino upang hindi nila maramdaman na walang inaatupag o kaya ay nagpapatumpik-tumpik lamang ang mga kongresista tuwing mayroong session.