Dalipe

Mga miyembro ng Kamara hindi dadalo sa pagdinig ng Senado sa people’s initiative

128 Views

HINDI dadalo ang mga pinuno ng Mababang Kapulungan sa isasagawang pagdinig ng Senado kaugnay ng isinusulong na people’s initiative na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe kaugnay ng imbitasyon na ipinadala ng Senate committee on electoral reforms na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.

“While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow Filipinos. It’s a demanding task, but someone’s got to do it,” ayon kay Dalipe.

“Perhaps while we focus on building bridges, others seem more inclined to hunt for witches. But rest assured, should our legislative schedule allow, we’d be more than willing to engage in fruitful discussions, preferably ones that construct, not deconstruct, our collective efforts for national progress,” dagdag pa ni Dalipe.

Una na ring dumistansya ang mga mambabatas sa Kamara sa usapin ng pagsusulong ng people’s initiative at iginiit na wala itong kinalaman sa naturang hakbang.

Iginiit naman ng Kamara ang kahalagahan na igalang ang pagpapasya ng mga mamamayan sa isyu, alinsunod sa Konstitusyon.