Mariel and Robin

Mariel sa viral gluta drip session: ‘Hindi po ako nagda-drugs…’

Eugene Asis Feb 25, 2024
192 Views

NAG-VIRAL, na-bash at naging political issue ang post ni Mariel Rodriguez habang naggu-gluta drip session sa opisina ng kanyang mister na si Senator Robin Padilla sa Senado noong February 21.

Pero burado na ang nasabing post.

Ang caption ni Mariel:

“Hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more!”

At para kay Sen. Robin Padilla, nakakatawa na naging “political issue” ito.

Anang senador: “If they saw something bad in that photograph, I apologize. No intention of disrespect. My wife loves to promote good looks and good health.”

Ipinagtanggol din ni Mariel ang sarili.

“To tell you the truth, hindi ko po nakikita na kahit kaunti may mali dun sa ginawa ko, masama yung ginawa ko,” sabi ni Mariel.

Paliwanag niya, “Dahil one, bitamina yung nilalagay ko sa katawan ko, for health reasons ‘yun. Hindi naman po ako nagda-drugs, na naghi-heroin ako dun. Buti kung naghi-heroin ako dun, di ba? Hindi naman po.”

Pagdidiin niya, wala naman siyang ginawa sa Senate seal.

“Hindi ko naman flinash yung bitamina dun sa Senate seal. Wala naman akong ginawang ganun. Umupo lang ako doon at saka nagpabitamina sa katawan. So, hindi ko maintindihan bakit parang may mga nag-react,” dagdag pa niya. “So dahil may mga nag-react, kaya ko po tinake down ‘yung post ko. In respect doon sa mga na-offend o kung anuman, tinanggal ko po. Kaya ko yun tinanggal.”

Pangwakas ni Mariel, “So, kung sa tingin ninyo mali, o masama, o na-offend kayo dun sa ginawa ko, sorry po.”