Calendar
3 kasunduan ng PH, Australia sa maritime, cybersecurity, trade plantsado na
PLANTSADO na ang tatlong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Ito ay tungkol sa maritime domain, cyber at critical technology, at epektibong implementasyon ng competition laws and policies ng dalawang bansa.
Naselyuhan ang kasunduan sa state visit ni Pangulong Marcos Jr. sa Canberra.
“The three agreements exchanged today (Feb. 29) shall enhance information sharing, capability building, and interoperability between our relevant government agencies in the maritime domain and maritime environment, cyber and critical technology, and competition law,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“The three agreements add to the more than 120 agreements that our two countries have signed through the decades. And these are in various fields, including defense cooperation, air services, education, research, scientific and cultural cooperation, amongst others,” dagdag ng Pangulo.
Sa usapin ng maritime domain, palalakasin ng Pililinas ang kooperasyon sa civil military, itataguyod ang international law and rules-based international order, pagbantay sa marine environment at cultural heritage, pagpapalakas sa defense engagements, at diyalogo.
Sa usapin sa cyber at critical technology, umaasa ang Pilipinas na lalakas pa anh sharing of information sa Australia.
Sa usapin sa competition laws and policies, palalakasin ang capacity building sa merger regulations, competition laws, at investigative techniques.