Calendar
Mga mambabatas pinuri pagbisita ng kauna-unahang US trade investment mission sa PH
PINURI ng mga kongresista ang pagdating sa bansa ng kauna-unahang high-level United States trade and investment mission sa Pilipinas, na resulta umano ng patuloy na pagpupunyagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang dumami ang pamumuhunan sa bansa.
Sa isang press conference, sinabi ng mga mambabatas na ang pagdating trade mission ni US President Joe Biden ay nataon sa ginagawang pagtalakay ng Kongreso sa panukala na amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon.
Sinabi ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez na mahalaga ang foreign direct investments (FDIs) sa Pilipinas upang dumami ang mapapasukang trabaho at sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
“I think this is another realization for us to accept why [FDIs] will be beneficial to the country especially in addressing the aggressiveness of China against the Philippines,” ani Suarez.
Ipinunto ni Suarez na ang pagpasok ng FDI ay hindi dahil sa pagiging miyembro ng isang bansa sa ASEAN o sa United Nations kundi dahil sa inaasahang paglago ng negosyong itatayo roon.
Sinabi ni Suarez na ang pagdami ng dayuhang negosyo sa bansa ay isa ring hakbang upang matugunan ang nangyayari sa West Philippine Sea.
“So, with more [FDIs] I think this is another clear way we can address the issue that is happening in the West Philippines Sea,” sabi ni Suarez.
Nagpapakita naman umano ng potensyal na benepisyo ang pagdating sa bansa ng US trade mission.
“If I was a businessman and if I was part of the trade mission and I’m going to the Philippines knowing that the Constitution will be improved for us to be allowed to invest more, I think that’s a green light for the trade mission,” sabi ni Suarez.
Pinuri rin ni Deputy Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa naging papel nito upang matuloy ang U.S. mission at kinilala ang kanyang pagpupursige na makahikayat ng mga mamumuhunan sa pagbisita nito sa ibang bansa.
“Gusto ko pong kilalanin, of course, ‘yung efforts ng ating pangulo, President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, because it is true that his numerous visits and trips abroad that allowed this trade missions to happen in the country. Congratulations to our President,” sabi ni Suarez.
Sa kaparehong press conference, iginiit naman ni 1-RIDER Partylist Rep. Rodge Gutierrez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsulong ng interes ng bansa.
“It really reminds us of the discussions on Charter change. Opening up the economy would create a more welcoming environment for foreign investors,” sabi ni Gutierrez.
Ayon kay Gutierrez nakikita na ngayon ng bansa ang resulta ng ginagawang pagbisita ni Pangulong Marcos sa ibang bansa sa pagdating ng kauna-unahang US trade mission sa Pilipinas.
“If you could recall binabatikos siya (President Marcos) because he would visit a lot of countries. We question the strategy but now that we see it more coherent together with the advice ng mga fiscal managers ng country natin, it has been very consistent. The administration has been nothing but consistent, and ngayon nagbubunga na po,” sabi ni Gutierrez.
Para naman kay Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan malaki ang positibong epekto sa pagdami ng pamumuhunan sa bansa at pinuri nito si Pangulong Marcos sa kanyang pagsusulong ng interes ng bansa sa ibayong dagat.
“It just goes to show that you have to go out of your comfort zone, you have to go out of your own country, stir things up, make things happen. I guess that’s one of the jobs of our President and it has borne fruit,” sabi ni Suan.
“I guess the least that we can do is to help him through the amendment of economic provisions in our Charter, which are restrictive, to make it easier for foreign investment to come in,” dagdag pa nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpapunta ang gobyerno ng Amerika ng isang trade mission sa Pilipinas.
Ang misyon ay pinamumunuan ni U.S. Secretary of Commerce Gina Raimondo at gagawin ng Marso 11 at 12.
Si Raimondo ay sasamahan ng 21 lider ng iba’t ibang kompanya at ilang kilalang personalidad gaya ng celebrity at pilantropong si Allan Pineda na mas kilala bilang Black Eyed Peas rapper Apl.de.Ap na siya ring founder ng Apl.de.Ap Foundation International.