Quiboloy

Valeriano naniniwalang kabado na si Quiboloy

Mar Rodriguez Mar 13, 2024
163 Views

NANINIWALA si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano na maaaring “kinakabahan” na si Kingdon of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo C. Quiboloy kaya “aandap-andap” ang religious leader na dumalo o siputin ang kasalukuyang imbestigasyon ng Kamara de Representantes.

Iginigiit ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, na walang ibang magagawa si Quiboloy kundi ang sumipot at dumalo sa isinasagawang pagsisiyasat ng House Committee on Legislative Franchise patungkol sa usapin ng Sonshine Media Network Inc. na pag-aari nito.

“No one is above the law”. Ito ang iginiit din ni Valeriano kay Quiboloy matapos ipahayag ng kongresista na kailangang harapin ng nasabing religious leader ang mga akusasyon at isyung ikinukulapol laban sa kaniya kabilang na ang kaso ng human trafficking, sexual exploitation at iba pa.

Gayunman, ipinaliwanag pa ni Valeriano na maaaring nag-aatubili ng magpakita si Quiboloy para harapin o sagutin ang mga akusasyon laban sa kaniya dahil posibleng kinakabahan na siya sa magiging bunga o consequence ng kaniyang ginawa kabilang na ang bintang ng sexual exploitation.

“No one is above the law. Mr. Quiboloy is definitely in fear to face the consequences of his wrongdoings committed for so long under his cloak as Pastor of Kingdom of Jesus Christ,” sabi ni Valeriano.

Binigyang diin pa ng Metro Manila solon na ang patuloy na pagtatago ni Quiboloy at pag-iwas na dumalo sa pagsisitasat ng Kamara de Representantes at maging sa Senado ay pagpapakita lamang aniya ng kawalang respeto ng religious leader sa dalawang sangay ng Kongreso.

“We hope our government can be steadfast to find Quiboloy and ferret out the truth from him. His continued absence is an utter disrespect to both chambers of Congress. here in Congress, the SMNI can, in fact permanently lose its legislative franchise to operate. He should not challenge that,” ayon pa kay Valeriano.