jerico

NPA Pro-Leni na? Inilaglag na si Ka Leody?

Jerico Javier Mar 9, 2022
616 Views

LeniLeodyMARAMING natatanggap na mga ulat ang mga kaibigan natin sa pulisya at militar na aktibong umiikot ngayon ang mga myembro ng teroristang grupo na New People’s Army (NPA) sa mga kanayunan para manakort ng mga botante.

Ang eksaktong pananakot ng mga armadong grupo: “Kapag ibinoto nyo si BBM, susunugin namin ang mga bahay niyo.”

Nag-iikot ang mga teroristang grupo sa liblib at mga bulubunduking lugar sa Masbate, Benguet, Abra at iba pang lugar na alam nilang kaya nilang takutin at walang gaanong presensya ng mga pulis at militar. Wala namang magawa ang mga residente dahil armado ang mga ito kaya sumusunod na lamang sila.

Pero ang nakapagtataka raw, sa halip na si Ka Leody de Guzman na kilalang maka-kaliwa at myembro ng aktibistang grupo na kaalyado ng NPA, ang iendorso sa pagka-pangulo, si Leni Robredo raw ang isinusulong nila para Iboto.

Nakarating din sa atin na hindi ito nagustuhan ng kampo ni Ka Leody at ikinasama raw nila nang loob ang pag-endorso sa kanilang kalabang kandidato. Kinukwestiyon din nila kung bakit si Leni ang sinusuportahan ng NPA samantalang sila ang magkakasama at magkakaparehas ang ipinaglalaban.

Kawawang Ka Leody mukang inilaglag ng mga kasamahan.

Kung totoo ang mga ulat na natanggap ng PNP at AFP, mukang totoo rin ang mga balita na nakikipag-alyansa na ang kampo ni Robredo sa teroristang grupong NPA.

Delikado ito dahil alam naman natin ang kakayahan ng mga NPA kapag nabigyan sila ng kapangyarihan kung sakaling manalo ang kanilang ini-endorsong kandidato. Tsk. Tsk. Nakakatakot ang mga posibleng pwedeng mangyari. Huwag naman sana.

Kung sabagay hindi naman natin masisi si Robredo na gawin niya ito dahil sa desperado na ti na manalo sa halalan, lalo na ngayon at napapag-iwanan siya sa mga survey ng kalabang kandidato na si Bongbong Marcos.