Ayuda ng DSWD noong Semana Santa pinapurihan ng Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Apr 3, 2024
109 Views

1Pacman 1PacmanPINAPURIHAN ng chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa matagumpay na pagbibigay nito ng assistance noong nakalipas na Semana Santa.

Pinasalamatan ni Romero ang pamunuan ng DSWD sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian matapos pangunahan ng Disaster Management and Response Team ng DSWD ang pagkakaloob ng assistance para sa mga mamamayan na nagtungo sa iba’t-ibang lugar noong Holy Week.

Sinabi ni Romero na mahalagang papel ang ginampanan ng DMRT para mabilis na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kanilang paglalakbay o pagbibiyahe sa oras na magkaroon ng insidente o anomang uri ng sakuna dahil nakaantay sila sa mga estratehikong lugar.

Ipinaliwanag ng kongresista na bagama’t naka-standby o naka-antabay lamang ang mga tauhan ng Quick Response Teams (QRT). Subalit ang mahalaga aniya ay naka-abang parin sila sa anumang kaganapan para mabilis na makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa ilalim ng direktiba ni Gatchalian, ang lahat ng QRT ng DSWD ay inatasang manatiling naka-standby at tiyaking nakahanda para sa deployment sakaling magkaroon ng hindi kanais-nais na pangyayari o “untoward incident” sa panahon ng pagdiriwang ng Samana Santa.

Kasabay nito, ipinabatid din ni Romero na noong nakalipas na Holy Week lalo na sa mga mananampalataya. Tumugon din ang kanilang grupo (1-PACMAN Party List) sa pangangailangan ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng mineral water at iba pang assistance.

“During the Holy Week, we responded and served by providing assistance to our compatriots who offered a walk or conducted Visita Iglesia. We also provided waters and responded to alleviate the extreme heat,” sabi ni Romero.