Calendar
Sec. Frasco tumanggap ng Gawad Pilipino Babae Ka Award for Public Service
NAGPAABOT ng marubdob at taos pusong pagbati ang chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona kay Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa nakamit nitong Gawad Pilipino Babae Ka Award.
Ipinahayag naman ni Sec. Frasco ang kaniyang taos-pusong pasasalamat kay Madrona bilang chairperson ng Committee on Tourism dahil sa ipinaabot nitong pagbati. Nagpahayag ng Kalihim na isang malaking karangalan ang iginawad na parangal para sa kaniya.
Sinabi ni Frasco na kasabay ng paggunita sa accomplishments ng mga kababaihan, kinakailangan din pagnilayan ang mga nagsisilbing hadlang at mga pagsubok o challenges na kinakaharap ng kanilang hanay lalo na at malaking kontribusyon ang kanilang naimbag sa lipunan.
Ayon kay Frasco, bilang nanay ng apat na anak, nauunawaan niya ang mga pagsubok na kinakakaharap ng mga kapwa niya kababaihan sa pang-araw araw na buhay partikular na ang pagsisilbi sa mga pangangailangan at iba pang mahahalagang gawain ng kani-kanilang pamilya.
“Being a mother of 4 young children, I fully understand the challenges that women face every day. This, as they try to be dutiful to their responsibilities, as they try to pursue their passions and their respective careers and advocacies, all while being daughters, sisters, wives and mothers,” sabi ni Sec. Frasco.
Sinabi ni Madrona na ang natanggap na parangal ni Frasco ay resulta lamang ng kaniyang pagsusumikap partikular na para sa Tourism Department para mas lalong mapabuti ang sektor ng turismo kung saan 127,000 Filipino tourism workers ang sumailalim sa training ng DOT.
Para kay Madrona, maituturing si Sec. Frasco bilang makabagong “superwoman” o isang “modern day super hero” dahil sa ipinapakita nitong husay, talino at galing para mas lalo pang mapaunlad ang Philippine tourism.