Para chess champ Mendoza to play in Abundo Cup
Nov 16, 2026
LP pinabasbasan mga bagong garbage compactor trucks
Nov 16, 2026
Holdaper nahuli sa QC
Nov 16, 2026
COURTESY CALL
Nov 16, 2026
Calendar
Metro
19 sasakyan apektado sa grass fire sa NAIA 3
Jun I Legaspi
Apr 22, 2024
740
Views
LABING SIYAM na sasakyan ang naapektuhan sa grass fire sa parking extension ng Ninoy Aquino International Terminal 3, Lunes, ayon sa report.
Ayon sa media advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), dakong ala-1:28 ng hapon ng makatanggap ang management ng report na isang grass fire ang nangyayari sa nasabing parking extension.
Agad namang naapula ang grass fire dakong ala-1:57 ng hapon,, ayon sa MIAA Rescue and Firefighting Division.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sinabi ng management na walang naiulat na nasugatan sa nasabing grass fire maliban sa naiulat na 19 na sasakyan ang naapektuhan ng sunog.
Ayon sa MIAA, ang flight operations sa 4 NAIA Terminals hindi naapektuhan ng nasabing insidente.
LP pinabasbasan mga bagong garbage compactor trucks
Nov 16, 2026
PWD ‘naihi’, bumalik sa nasusunog na bahay, tsugi
Nov 16, 2026
Holdaper nahuli sa QC
Nov 16, 2026
Liwasang Bonifacio nililinis sa utos ni Yorme
Nov 16, 2026

