Calendar
Gun license ni Quiboloy bawiin– Sen. Risa
HINAMON ni Sen. Risa Hontiveros ang Philippine National Police (PNP) na bawiin ang mga lisensiya ng mga armas na ibinigay sa puganteng lider at founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.
“I am again calling on the PNP Chief, PGen. Rommel Marbil, to lead better. Quiboloy is a high profile fugitive who must be apprehended.
Baka kaya ang lakas ng loob magtago ni Quiboloy dahil sa mga armas at baril na pumoprotekta sa kanya. Trabahuin na ng PNP ang pagkansela ng mga armas niya. Bilis-bilisan na,” sabi ni Hontiveros
Base sa sinabi ng PNP ang reaksyon ni Hontiveros na hindi daw pwedeng basta-basta bawiin ang lisensya ng mga baril ni Quiboloy dahil lantaran na umanong ipinakikita ng Quiboloy camp na nakahanda ang kanilang private armies na lumaban para kay Quiboloy.
“Huwag nang magdahilan ang PNP. Kung talagang kasangga namin sila sa pagpapanagot sa mga pambabastos ni Quiboloy sa ating mga institusyon, dapat ginagawa nila ang lahat para mahuli siya.
At isang mahalagang paraan ang pagbawi ng mga armas, lalo na ng isang pugante,” ani Hontiveros.
Ipinaliwanag din ni Hontiveros na malinaw na nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng PNP na kinakailangan may malinis na record at walang kriminal na pananagutan ang sinuman pribadong mamamayan na inisyuhan ng lisensiya ng baril.
Ayon pakay Hontiveros, malinaw ang mga dahilan kung bakit dapat ng bawiin ng gobyerno partikular ng PNP ang lisensya ng mga baril na inisyu ng ahensya kay Quiboloy.
“Sa dami at bigat ng pending cases ni Quiboloy, siguro naman pwede nang bawiin ang mga armas niya. Sa kasong human trafficking palang, non-bailable at lifetime imprisonment na ang parusa, kaya ano pa hinihintay ng PNP? Nakapagtataka ang bagal,” paglalahad ng senadora.
Hindi rin makapaniwala si Hontiveros sa mga paglalahad ng PNP matapos nitong aminin na hindi nila alam ang sinasabing private army ni Quiboloy kung saan aniya ay lantaran na itong makikita sa social media at umiikot na rin ang mga litrato at video ng mga miyembro ng KoJC na nakasuot uniporme ng animoy mga sundalo at may hawak ng ibat ibang armas.
“Ang mga netizen alam na na may private army siya, tapos sarili nating kapulisan, hindi alam? Imposible. Di ba dapat mas kapaki-pakinabang ang intel unit niyo?
Konting search lang sa social media, lumalabas na yan agad – mga armadong sundalo na nagte-training at ang mga caption tila may pagbabanta pa sa sinumang lalapit sa poon nila. This is basic information,” giit pa ni Hontiveros.
Sinabi rin ni Hontiveros na nakamasid ang taumbayan sa aksyon ng PNP sa isyung ito lalo dapat na aniyang agaran bigyan ng pagpapakita ng kanilang kaseryosohan sa pagdakip kay Quiboloy at pag alis ng kaniyang mga lisensiya.