WPS

PBBM suportado ng House leaders sa pangangalaga ng interes ng PH sa WPS

Mar Rodriguez May 2, 2024
100 Views

SUPORTADO ng mga lider ng Kamara de Representantes ang polisiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pangalagaan ang interes ng Pilipinas at itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa gitna ng ginagawang iligal na pagpasok ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“We just make sure that we sustain the foreign policy that the President is espousing. Iyon naman talaga ang magagawa natin. Hindi naman tayo pwedeng lumaban ng patas sa kanila. Hindi natin kakayanin,” ani Assistant Majority Leader Maria Amparo “Pammy” Zamora (Taguig City, 2nd District) sa isang press conference sa Kamara de Representantes nitong Huwebes.

“We support the President in his foreign policy, and we strengthen our alliances sa mga nations that espouse the same beliefs. And siyempre we send that message that we cannot be bullied,” dagdag pa ni Zamora.

Ang pahayag ni Zamora ay kaugnay ng pinakahuling insidente sa WPS kung saan ginamitan ng water cannon ng Chinese Coast Guard ang dalawang supply ship ng Pilipinas malapit sa Bajo de Masinloc na nasa loon ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Sinabi naman ni House Deputy Majority Leader Faustino “Inno” Dy (Isabela, 6th District) na ang naturang insidente ng itigil ng China at hindi ito dapat na hayaan.

Binigyan-diin ni Dy ang kahalagahan na maipagpatuloy ang pagiging hayag at ang pagkakaisa ng mga magkakapitbahay na bansa sa pagtugon sa mga hamong dulot ng mga aksyon ng China sa WPS.

“Of course, we will fully support whatever the foreign policy of our President and of him being the commander of the Armed Forces,” punto ni Dy. “But also we need to keep, as what we are doing now, we need to be more transparent, we are transparent on what’s happening in the WPS and ito pong ginagawa sa ating mga kababayan sa WPS, naabuso ang ating mga kababayan dito, iyon nga po may incident na naman itong water cannon.”

“This allows us to gain more support also from the international community, of course ano po our neighbors were also experiencing the same, kaya po we need to keep doing this to show the world and also international community kung ano po talaga iyong totoong nangyayari at sitwasyon dito po sa atin,” dagdag pa nito.

Iginiit naman ni Assistant Majority Leader Mikaela Angela “Mika” Suansing (Nueva Ecija, 1st District) ang kahalagahan na lalong palakasin ang alyansa ng Pilipinas sa international community upang matugunan ang agresyon ng China.

Tinukoy ni Suansing ang kahalagahan ng trilateral meeting nina Pangulong Marcos, US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington, D.C.

“Siguro po, given the recent developments, it’s very important for us to strengthen our ties with the international community, with countries that are willing to work with us in terms of addressing the aggression that China is currently doing,” sabi ni Suansing.

Kinilala ni Suansing ang pagpasa ng panukalang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA) sa Kongreso ng Estados Unidos na resulta ng pagpupulong.

Sa ilalim ng PERA ay makakukuha ng $800 milyong tulong ang Pilipinas, kasama na ang military equipment at reinforcements.

“What we want to have is, what we want to accomplish is a diplomatic route in terms of upholding UNCLOS and the different international laws na lahat naman po ay nakapanig, naka-side po sa assertion ng Pilipinas,” sabi pa ni Suansing.

Kinilala rin ni Suansing ang malaking papel na ginagampanan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro sa pagpapatupad ng mga napagkasunduan sa trilateral meeting.

“The House commends our President in all of his efforts and malaki din po iyong papel na ginampanan ng ating pinakakamahal na Speaker Martin Romualdez doon po sa pag-follow through doon po sa mga napag-usapan sa trilateral meeting,” dagdag pa ni Suansing.

Ayon naman kay Deputy Majority Leader Jude Acidre (Tingog Partylist) mahalaga na mapalakas ang kakayanan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay ng maritime border ng bansa sa gitna ng umiinit na tensyon sa WPS.

Sinabi ni Acidre na ang paparating na deliberasyon ng budget ay magbibigay ng bagong oportunidad upang makapaglaan ng pondo na magpapalakas sa PCG upang mas magampanan nito ang kanilang mandato.

“Kasi definitely ang suporta with regards to equipment, training, kung ano pa na magpapalakas ng capability ng Coast Guard ay malaking bagay na magiging mas epektibo nilang mababantayan ang ating mga karagatan, lalung-lalo na sa [WPS], dagdag pa ni Acidre.