Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
HULI KA BOY–Ang natimbog na murder suspek ng mga operatiba ng MPD. Kuha ni Jon Jon Reyes
Metro
Kelot kulong dahil suspek sa pagpatay
Jon-jon Reyes
May 9, 2024
814
Views
INARESTO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District ang 22-anyos na lalaki dahil sa kasong murder sa corner ng Taft Avenue at T. M. Kalaw St., Ermita, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si alyas Carlo ng Gabriel St., Brgy. 53, Tondo.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Ace Baybayan, hepe ng DSOU, bandang alas-4:20 ng hapon naaresto ang suspek habang nagtatago sa lugar.
Nasukol ang suspek sa bisa ng arrest warrant ni Judge Albert Tenorio, Presiding Judge ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 14 ng Maynila.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

