Binondo EBIDENSYA- Nagsagawa ng imbentaryo ang mga pulis matapos matimbog ang dalawang suspek sa isinagawang buy bust sa Binondo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 drug suspek arestado sa Binondo

Jon-jon Reyes May 11, 2024
83 Views

DALAWANG drug suspek ang natimbog, kabilang ang Isang dalaga, sa buy bust noong Biyernes sa Roman St. malapit sa Soler St., Brgy. 294, Zone 26, Binondo, Manila.

Sa report ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng Manila Police District (MPD)-Binondo police station 11, hindi na nakapalag pa ng masakote ng poseur buyer ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ang suspek na sina alyas Dianne, 37, at alyas John Alyson, 21.

Ayon kay Police Major Bernardino Venturina, bandang alas-2:15 ng madaling araw ng ikasa ang buy bust sa naturang lugar.

Una na umanong nagsagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ni Mupas sa sinasabing drug operation.

Nakitaan ng 30 gramo ng shabu ang dalawa na katumbas ng P204,000.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, Article ll (Comprehensive Dangerous Drug of 2002) ang dalawang suspek.