Food Stamp Program

Food Stamp Program ni PBBM aarangkada ngayong Hulyo

Chona Yu May 11, 2024
147 Views

SIMULA ngayong Hulyo, aarangkada na ang
Food Stamp Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangunguna sa pagpapatupad ng programa sa buong bansa.

Ipatutupad ang programa matapos ang anim na buwan na matagumpay na pilot implementation sa ilang bahagi ng bansa.

Nag-isyu na rin si Pangulong Marcos ng Executive Order No. 44 na nagtatag sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” na isang flaship program ng DSWD na may mandato para gumawa ng hakbang para sa matagumpay na implementasyon at pagpapalawak ng naturang programa.

Layon ng programa na bawasan ang insidente ng kagutumang nararanapan ng mga low income household sa pagbibigay ng monetary-based assistance sa pamamagitan ng Eletronic Benefit Transfer (EBT) cards na maaaring gamitin sa pagbili ng ilang food commodities mula sa mga elegible partner merchant store.

Sinabi naman ni DSWD Undersecretary Edu Punay sa isang press briefing na sinisimulan nila ang preparasyon para sa full implementation ng nasabing programa at isa dito ang pagkuha sa mga kailangang staff sa mga lugar na sakop ng programa.

Paliwanag ni Punay ang naturang programa ay ipapatupad sa 10 rehiyon at 12 lalawigan na may initial target na 300,000 pamilya.

Ngayon buwan ay sinisimulan na anya ang kanialng validation at regitration ng may 300,000 benepisyarto para sa implementasyon sa Hulyo at nakakuha na rin sila ng 1,000 validators para dito.

May 21 lalawigan at 10 rehiyon ang na-identify ng kanilang departamento bilang priority areas.