Lakas BAGONG LAKAS MEMBER–Mismong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nag-administer ng oath-taking ni Laguna Governor Ramil Hernandez bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD sa Speaker’s office sa House of Representatives noong Martes. Saksi sa oath taking ni Hernandez sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Agusan Del Norte 1st district Rep. Jose “Joboy” Aquino ll at Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez. Kuha ni VER NOVENO

Laguna governor, 7 pang opisyal nanumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD

Mar Rodriguez May 14, 2024
104 Views

NANUMPA si Governor Ramil Hernandez ng Laguna at pito pang opisyal ng lokal na pamahalaan nitong Martes bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats, ang pinakamalaking partido politikal na sumusuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangulo ng Lakas-CMD, ang nangasiwa sa panunumpa ng mga bahong miyembro na ginaganap sa isang simpleng seremonya sa Speaker’s Office sa Kamara de Representantes sa Quezon City.

Ikinatuwa ni Speaker Romualdez ang pagpili ni Hernandez at iba pang opisyal sa Lakas-CMD at Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na sumusuporta sa Pangulo.

“Together, we can fulfill our dream of a Bagong Pilipinas for our people,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Kumpiyansa si Speaker Romualdez na marami pang opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang sasali sa koalisyon ng administrasyon habang papalapit ang eleksyon sa Mayo 2025.

“Naturally, they would like to gravitate towards the coalition,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Kasama ni Hernandez na nanumpa sina Board Member Magtanggol Jose Carait III, Mayor Dwight Kampitan, Vice Mayor RJ Kampitan, and Councilors Florencio Laraño, Homer Herradura, Analyn Nava, at John Paul Pahutan, lahat ay taga bayan ng Victoria.

Sina John Patrick S. Cambe at Lester Rebong na dating opisyal ng Victoria ay nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD.

Ang grupo ni Hernandez ang pinakahuling batch ng mga lokal na opisyal na sumali sa Lakas-CMD.

Noong Lunes, pinangasiwaan din ni Speaker Romualdez ang panunumpa sa Lakas-CMD ng mahigit 30 opisyal mula sa Bulacan at Bukidnon.