Agri

PBBM: Pagdeklara ng Hulyo bilang Philippine Agriculturists’ Month pagpupugay sa mga agrikulturista

Chona Yu May 14, 2024
74 Views

IDINKELARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Hulyo bilang Philippine Agriculturists’ Month sa bansa.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa mga agriculturists at maitaas ang awareness sa kahalagahan sa sektor ng agrikultura.

“The celebration of the Philippine Agriculturists’ Month will engage professional agriculturists in agricultural advocacy, policy research and formulation and provide an avenue for enterprise-building, communications training, and community development,” saad ng Proclamation No. 544 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Mayo 10.

Binibigyang halaga ng Pangulo ang ambag ng mga agriculturists.

Nakasaad sa proklamasyon na ang Manila School of Agriculture na naitatag noong Hulyo 1989 ay magbibigay ng theoretical at practical education sa mga skilled farmers at overseers.

Itataguyod din nito ang agricultural development sa bansa sa pamamagitan ng observation, experiment at investigation tungo sa mas malalim na awareness at understanding sa Philippine agriculture.

Inaatasan ang Department of Agriculture (DA) at Professional Regulation Commission (PRC) pati na ang Board of Agriculture na pangunahan, mag-coordinate, at mag-supervise sa paggunita sa Philippine Agriculturists’ Month.

Pinasusuportahan din nito ang mga programa, aktibidad at mga proyekto na isasagawa sa taunang selebrasyon.

Inaatasan din ang lahat ng government agencies at instrumentalities ng national government kasama na ang mga government-owned or -controlled corporations, government financial institutions, state universities at colleges pati na ang local government units at pribadong sektor na suportahan ang programa.