MPBL Negros-Iloilo game sa MPBL.

Negros pumalag sa Iloilo

Robert Andaya May 22, 2024
76 Views

IPINAKITA ng Negros Muscovados ang kanilang lakas sa second quarter bago padapain ang Iloilo United Royals, 72-66, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Nagpakawala ang Muscovados ng matinding 28-8 run sa second period, kabilang ang siyam na puntos mula kay Bill Geolingo at back-to-back triples ni Jeremy Cruz, upang tuluyang walisin ang United Royals at itala ang kanilang ika-apat na panalo sa siyam na laro.

Dikit lamang ang labanan, 17-14, bago ang malaking scoring run ng Negros na nagbigay sa kanila ng 45-22 bentahe.

Hindi na nakabawi pa ang Iloilo matapos ang pasabog ng Negros.

Nagtapos si Cruz na may 15 points, nine rebounds at two steals, kasunod sina Jefferson Comia, na may 11 points at nine rebounds, at Hubert Cani, na may 10 points at three rebounds.

Ang Iloilo, na bumagsak sa 2-6 win-loss record, ay nakakuha ng 14 points at five rebounds mula kay Gwyne Capacio, 13 points, seven assisst at six rebounds mula kay Shaquille Imperial, 12 points at three rebounds mula kay Mark Nonoy, at 11 points at 11 rebounds mula kay CJ Cansino.

The scores:

Negros (72)– Cruz 15, Comia 11, Cani 10, Geolingo 9, Palma 8, Una 5, Ramos 5, Capobres 4, Longa 3, Atabay 2, Ludovice 0, Antiporda 0, Bacay 0, Alcaide 0, Pascual 0.
Iloilo (66)– Capacio 14, Imperial 13, Nonoy 12, Casino 11, Diaz 5, Catapusan 4, Berjay 2, Credo 2, Doliguez 2, Javelosa 1, Kapunan 0, De La Rosa 0, Gomez 0, Etrata 0, Rangel 0.
Quarterscores: 14-10, 46-27, 58-47, 72-66.