Muntinlupa Muntinlupa-Bicol showdown sa MPBL

Muntinlupa nakatakas sa Bicol

Robert Andaya Jun 4, 2024
143 Views

UMASA ang Muntinlupa sa tambalan nina Alfred Reyes and Joshua Guiab upang itakas ang 60-55 panalo laban sa Bicol sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Orion Sports Center sa Bataan.

Nagtala si Flores ng 14 points, three assists aat two steals habang Guiab ay nagdagdag ng 12 points para Muntinlupa, na umakyat sa 3-8 record sa team standings ng prestihiyosong kumpetisyon, na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang Bicol, na nakakuha ng 12 points at six rebounds mula kay Ralph Jeffrey Deles, ay nanatiling wala pang panalo sa 11 laro.

Pareho na sila ngayin ng record ng Imus Agimat.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang commissioner ng MPBL.

The scores:

Muntinlupa (60)— Flores 14, Guiab 12, Batac 6, Moralde 5, Capacio 5, Bongay 4, De Leon 4, Cuevas 3, Buenaflor 3, Sombero 2, Arenal 2, Cabeguin 0, Marcos 0, Magbuhos 0, Acidre 0.
Bicol (55) — Deles 12, Alanes 9, Rojas 8, Reyes 7, Casajeros 5, Llarena 4, Javier 4, Burgos 3, Lao 3, Velvez 0, Santos 0, Alfonoso 0, Manzanilla 0, Macaballug 0, Ng Sang 0.
Quarterscores: 12-14, 27-26, 44-40, 60-55.