Jao

Leading man ni Miles napaiyak nang maalala ang ama

Vinia Vivar Jun 5, 2024
67 Views

Naging emosyonal ang singer/actor na si Joao Constancia sa mediacon ng “Padyak Princess” matapos matanong tungkol sa ama bilang nalalapit na ang Father’s Day.

Natanong kasi ang buong cast led by Miles Ocampo, Joao and Jameson Blake kung ano ang mga aral na natutunan nila sa kanilang mga ama.

Hindi pa man sumasagot si Joao ay napaiyak na agad siya.

“Ako lang po kasi mag-isa dito. My whole family is in Macau,” umiiyak niyang sabi.

Dahil mag-isa lang siya sa ‘Pinas, na-realize niya talaga kung gaano ka-importante na kasama mo ang iyong buong pamilya.

“When it comes to family talaga, it’s something special and close to me cause right now, being here by myself in the Philippines teaches me how important is talaga to be with your family talaga,” he said.

Pagdating sa kanyang ama, ito na raw yata ang pinaka-giving person na nakita niya sa buong buhay niya.

“He’s been supportive with all of my dreams and stuff. The most important lesson that I learned from my Dad is to be grateful of the simple things in life cause, you know, we’re not here everyday, we don’t know when we will disappear from earth but just be grateful with everything talaga sa buhay mo. It could be just your friends, family, you know,” aniya.

Umiiyak pa niyang mensahe sa magulang, “Mom, dad, I miss you guys.”

Samantala, isa si Joao sa leading men ni Miles sa “Padyak Princess” at kung malungkot siya na hindi niya kapiling ang pamilya, masaya naman siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanyang career.

After doing supporting roles, the latest of which ay ang teleseryeng “Can’t Buy Me Love,” ngayon ay bida na siya at nag-level up na nga sa leading man status.

“Super-blessed because again, (I’m) one of the leading men dito sa show namin, and coming from all my other past projects, this is… honestly, hindi pa nagsi-sink-in sa akin masyado na ‘wow, Joao, kasama ka na dito sa ‘Padyak Princess,’ bida ka na dito,’” sey ng singer/actor.

Aniya pa, nagulat nga siya sa role niya dahil kasama siya sa halos lahat ng eksena.

“Pagdating sa mga taping, nagugulat ako na almost kasama ako sa every scene. Kasi nasanay ako na hindi ako kasama every scene. So, medyo nabigla ako dito,” pag-amin niya.

Nag-a-adjust pa siya sa magandang pangyayaring ito but at the same time ay super-thankful and grateful siya sa opportunity na ito.

Mapapanood na simula ngayong Lunes, June 10, ang “Padyak Princess,” 11:15 a.m., bago mag-“Eat Bulaga” sa TV5.

Aside from Miles and her leading men Joao and Jameson, kasama rin dito sina Ara Mina, Ces Quesada, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jem Manicad, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo at Miel Espinoza.