Manager tinanggal post na branded bag na regalo ng mamshie ng actress

Jun Nardo Jun 7, 2024
102 Views

NAKAKATAWA ang kuwento ng isang artist manager tungkol sa ina ng isang controversial young actress na nagbigay sa kanya ng branded bag.

Eh, hindi naman mahilig sa mamahaling bag si manager kaya naman bihira niyang gamitin ito.

Pero ang bilin ng madir ng young actress, huwag ipo-post ang bigay niya upang makaiwas sa basher at haters ng anak.

Kaso, si manager, proud sa ibinibigay sa kanyang mga gamit, mamahalin man o hindi, huh!

Kaya pasaway na pinost ni manager ang regalo at nakatanggap siya ng kung anu-anong paninira sa bag at sa madir ni young actress, huh!

Ang ginawa ni manager, ni-remove ang post! Pero wala naman siyang narinig sa nanay ng young actress.

Nadala ba sa posting si manager? Of course, not! Tuloy pa rin siya dahil proud siya sa donors niya, huh!

Pagtsugi sa serye ni Jillian fake news 

NAKU, aabutin yata ng dalawang taon ang GMA afternoon top-rater na Abot Kamay Na Pangarap.

‘Yung unang ibinalita na hanggang ngayong buwan na lang ito sa ere, naku, fake news dahil may bagong announcement an GMA na muli itong na-extend.

Eh, totoo ngang top rater ang pinagbibidahang ito ni Jillian Ward.

Tanging siya lang ang GMA star na non-stop ang extension ng series, huh!

Pero ang sarap lang panoorin ng mga banggaan ng female leads at ang latest nga ay ang bardagulan nina Pilar Pilapil at Dina Bonnevie.

Ang next na ibabardagul ni Pilar ay si Carmina Villarroel.

So why kill the goose that lays the golden eggs? This is show business!