Xian

Kim kay Xian: Hindi pag-uusapan kung walang nagsindi

Vinia Vivar Jun 7, 2024
113 Views

“Let’s leave respect to each other.” Ito ang sagot ni Kim Chiu sa gitna ng mga statement lately ni Xian Lim tungkol sa kanilang breakup.

Bago umalis ang aktres patungong Dubai para sa Kapamilya Kalayaan Karavan ay nahingan siya ng pahayag ng ABS-CBN tungkol sa mga interview ni Xian about their breakup.

Ayon kay Kimmy, hangga’t maari ay ayaw na niyang magsalita pa dahil ayaw na niyang mag-dwell pa sa nakaraan.

“Ako talaga, entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” sabi ni Kim sa panayam ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe.

“Parang ‘yung post ko nu’ng December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin,” dagdag niya.

Makahulugang hirit pa ng aktres, “Hindi naman siya mapag-uusapan if no one’s lighting the fire.”

Kaya para sa kanyang mensahe about the issue at kay Xian na rin, ani Kim, “I just wanna say, give it a rest and let’s leave respect to each other.”

At this point ay parang napapaiyak na si Kim and said, “It ended… the journey was beautiful so… ayoko nang maging masama ‘yung loob ko.”

Emosyonal pang wika ng aktres, “And he’s happy… ‘yon.”

Ulit pa niya while trying to compose herself, “Kasi paulit-ulit na lang, so just give it a rest and let’s leave respect to each other.”