Tutok

Tutok-To-Win nakatutok sa edukasyon ng libo-linong mag-aaral sa bansa

Mar Rodriguez Jun 11, 2024
104 Views

Tutok1Tutok2Tutok3𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝘀𝗶 𝗧𝘂𝘁𝗼𝗸-𝗧𝗼-𝗪𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗦𝗮𝗺𝘂𝗲𝗹 “𝗦𝗮𝗺” 𝗦. 𝗩𝗲𝗿𝘇𝗼𝘀𝗮,𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗴𝗼𝗯𝘆𝗲𝗿𝗻𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹.

Ayon kay Verzosa, naninindigan siya sa kaniyang advocasy at krusada na matulungan ang libo-libong kabataan mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na makapagtapos ng kanilang pag-aaral bunsod ng paniniwala nitong sila ang kinakabukasan ng bayan sa mga susunod na henerasyon at potensiyal na lider na magtitimon sa magiging direksiyon ng bansa.

Sinabi ni Verzosa na nakakalungkot lamang sapagkat ilang kabataan sa kasalukuyang panahon ang hindi na nagagawang makapag-tapos ng kanilang pag-aaral dala ng labis na pagkahumaling sa iba’t-ibang masasamang bisyo partikular na ang masamang impluwensiya ng illegal na droga at sugal.

Gayunman, naniniwala si Verzosa na nararapat lamang na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makatapos ng kanilang pag-aaral at mapagkalooban ng de-kalidad na edukasyon sapagkat sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan. Ipinapakita parin nila ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon at pagsisikap sa kanilang pag-aaral.

Dahil dito, kinikilala din ng kongresista ang kahusayan at pagsisikap ng mga kabataang estudyante na sa kabila ng kanilang kahirapan ay sinisikap parin nilang makapagtapos ng pag-aaral.

Habang sinisikap din nilang huwag mabuyo ng iba pang kabataan sa impliwensiya ng masasamang bisyo.

Sabi ni Verzosa, sa pamamagitan ng ipinamahagi niyang scholarahip. Hangad nito na maganda ang kahihinatnan nito para sa kinabukasan ng mga estudyante na itinuturing nitong isang hakbang patungo sa kanilang magandang kinabukasan.

“Sa tulong ng scholarahip na ito. Hangad natin na sana’y mas malayo pa ang kanilang marating. Isa itong hakbang patungo sa mas magandang kinabukasan. Hindi lamang para sa mga kabataang pinararangalan natin ngayon kundi sa buong komunidad,” sabi ni Verzosa.