Calendar
Libreng edukasyon ipinamahagi ni Romero para sa libo-libong estudyante
๐๐๐ก๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ ๐ผ ๐ฝ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ถ ๐ญ-๐ฃ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ฒ๐น “๐ ๐ถ๐ธ๐ฒ๐ฒ” ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ,๐ฃ๐ต.๐., ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฏ๐ผ-๐น๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฝ๐๐๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐ผ ๐น๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.
Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, isa sa kaniyang mga adbokasiya ay ang mabigyan ng nararapat na tulong ang libo-libong mag-aaral na walang kakayahang makapag-aral dulot ng kahirapang nararanasan ng kanilang pamilya.
Sinabi ni Romero na ang isa sa mga programa at proyektong isinusulong ng 1-PACMAN Party List ay ang maiayos ang kalagayan o estado ng edukasyon sa bansa sa gitna ng maraming kabataang estudyante ang hindi nakakapag-aral dulot ng kasalukuyang krisis. Habang ang iba naman ay napapariwara dahil sa impluwensiya ng masamang bisyo gaya ng illegal na droga at sugal.
Nabatid pa kay Romero na sa pamamagitan ng programang “Iskolar ako ni Cong. Mikee” nakapagpatayo rin siya ng mga paaralan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Kabilang na dito ang pagpapatayo ng Del Pilar Elementary School Building sa Barotac Viejo, Iloilo at sa iba pang lalawigan.
Sabi ng kongresista, hindi maisasakatuparan ang kaniyang proyekto sa Iloilo kung walang suporta mula kina Mayor Bongbong Tupas at Congressman Raul Tupas na tumulong sa kaniya para maipatayo ang Del Pilar Elementary School.
“Nagpapasalamat tayo sa suporta at maayos na partnership kasama sina Mayor Bongbong Tupas at Congressman Raul Tupas. Isa sa ating adbokasiya ay ang aysuin ang estado ng edukasyon sa bansa,” wika ni Romero.
Kasabay nito, inihayag din ni Romero na tinatayang 100 kabataang estudyante ang napagkalooban na ng maayos at de-kalidad na edukasyon at mayroong maayos na paaralan.