Darren

Darren naiipit sa pagiging busy sa career at sa kanyang lovelife

97 Views

TEN years ago, nakilala si Darren sa The Voice Kids Philippines Season 1 at ngayo’y kilala na siya bilang Asia’s Pop Hearthrob, isa sa mga magagaling na performers at isa sa pride ng Star Magic sa international stage.

Pagbabalik tanaw sa kanyang naging journey at napuno ng mga fans, celebrity guests, at mga kaibigan ang kanyang sold-out concert, ang D10 na ginanap sa Araneta Coliseum noong June 1, 2024.

Pinamalas ni Darren ang kanyang talent at discography sa kaniyang concert. Kasama sa setlist ng concert ang kaniyang mga tracks mula sa kanyang debut album tulad ng “Stuck” at “In Love

Ako Sa’yo” hanggang sa trending cover niya ng “Dying Inside to Hold You.” Isa rin sa ikinasaya ng mga fans ang mga collaboration nang gabing iyon.

Kasama sa mga espesyal na bisita na nakaduet ni Darren ay ang mga taong nakasama niya noong siya ay 13 years old pa lamang sa The Voice Kids—ang kanyang TVK coach na si Sarah Geronimo, at co-finalist na si Lyca Gairanod. Dagdag pa rito, nakasama rin niya ang mga kilalang OPM artists, tulad nina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano. “I was just so happy to be with them, kasi itong mga artist na ‘to are people I look up to ever since I was a kid.

Walang dalawang-isip na mag-guest sa concert ko,” ibinahagi ni Darren.

Para kay Darren, ang solo concert niyang ito ay isang ‘dream come true’. “Tagal ko nan hinintay ‘tong moment na ‘to. We’ve done several special events sa Araneta before pero iba pala talaga kapag alam mong sarili mong show,” sabi ni Darren.

Naging bahagi si Darren sa pamilya ng It’s Showtime bilang isa sa mga regular host kung saan kasama niya sina Vice Ganda at Ogie Alcasid. “Si Ate Vice, isa sa mga sumusuporta sa career ko ever since The Voice Kids.

Lagging siyang andiyan giving tips, not only for my career but also for my personal life. I want her to be part of my 10th anniversary kasi part siya ng journey ko,” bahagi ni Darren.

Nang tanungin kung paano niya pinagsasabay-sabay ang lahat ng trabaho niya, ibinahagi ni Darren kung paano niya pinaplano ang kanyang oras para matugunan ang lahat ng kanyang mga responsibilidad. “It’s nice to have a routine at ‘yun yung pang-start ko ng araw ko

Showtime muna at saka ako mag-rehearse. Pagdating ko sa rehearsals, ‘yung adrenaline ko andoon na kaagad. Nakatulong siya to prepare me for the day and calm my nerves,” sabi ng aktor.

May karanasan din si Darren sa pag-arte, gaya ng recent role niya na si Stephen Tanhueco sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” Ang kanyang character ang naging ka-love triangle ng tambalang Caroline (ginampanan ni Belle Mariano) at Bingo (ginampanan ni Donny Pangilinan).

Nang tanungin namin si Darren tungkol sa kanyang mga susunod na projects at collaborations, nabanggit ng aktor ang mga artistang pinapangarap niyang makatrabaho.

Kabilang dito sina Martin Nievera at Regine Velasquez. Nagbigay din ng patikim si Darren para sa kanyang fans tungkol sa mga susunod pa na dapat abangan sa kanya. “One of those things is recording as we’re finishing my first album under Star Music and to have a performance in the global stage, tulad ng ginawa ko dati sa Singer 2019, and of course, Showtime araw-araw,” pahayag ni Darren.

Maituturing na pambato si Darren ng Star Magic dahil sa kanyang talento at siguradong marami pa siyang mararating at maa-achieve bilang isang actor at performer.

Samantala, bahagi lang ng buhay ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya pagdating sa kanyang lovelife.

Aniya, maayos pa rin ang relasyon niya bilang kaibigan sa mga nali-link sa kanya tulad nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantara. “Magkaiba lang ang mga schedules namin ngayon kaya hindi na kami masyadong nagkikita.

But we communicate from time to time.”