Gonzales

House leader sa biro ni. VP Sara: Maging maingat sa binibitawang pahayag

Mar Rodriguez Jul 12, 2024
79 Views

ANG pagpapahiwatig na may masamang mangyayari sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 22 ay isa umanong seryosong usapin na dapat imbestigahan.

Ito ang paalala ni Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng naging pahayag nito na kanyang itinatalaga ang sarili bilang “designated survivor”.

“It’s a very bad joke. It leaves a bad taste in the mouth, especially coming from a very popular VP who garnered a resounding 32 million votes in the last presidential elections. It’s the highest vote for an elected official, in our history books,” ani Gonzales.

“Matagal na tayong nagpe-prepare sa Big One, iyung earthquake lalo sa SONA na nandito sa Batasan ang matataas na mga lider ng bansa tapos ngayon may designated survivor pala na pang-Netflix si VP,” ayon pa sa mambabatas.

“There’s no such thing as ‘Designated Survivor in the Philippines! Is she spending too much time watching Netflix? She better read our constitution. It’s as clear as sunlight,” saad pa ni Gonzales.

“She should be more circumspect and responsible in her utterances, owing to her title and the high office that she represents.”

Sinabi ni Gonzales, na hindi kinakailangan ng mga Pilipino sa ganitong pagkakataon ang mga banta ng kaguluhan at pagpapasabog, tulad na rin ng napapanood sa Netflix series kung saan ang lahat ng mga opisyales ng Estados Unidos, kasama na ang Pangulo, ay nasawi sa taunang pagpapahayag ng kalagayan ng bansa.

“This is unnecessary and uncalled for – to say the least. The VP is creating or wreaking havoc to the general public. She’s alarming the people. The SONA is a yearly official and formal event that needs respect, most especially from elected officials like her,” paliwanag pa ni Gonzales.

“Is she really serious?” tanong pa ng Gonzales.

Naalala rin ni Gonzales ang sinabi kamakailan ni VP Sara na tatakbo sa pagkasenador ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at dalawang kapatid na sina Davao City Mayor Sebastian at Congressman Paolo.

Mayroon din umanong naging pahayag ang Bise Presidente na tatakbo ito sa pagka-alkalde ng Davao City sa susunod na eleksyon.

“I mean: which is which really? We don’t even know if we can still trust her now. Whatever happened to some decency or at least being forthright in public service? A career in government is not something anybody can play with. We’re dealing with people’s money and public resources,” ayon pa kay Gonzales.