Calendar
MMDA ipapakalat 1,300 personnel sa 3rd SONA ni PBBM; rally papayagan pero…
NASA 1, 300 na personnel ang ipakakalat ng Metro Manila Development Authority para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Batasang Pambansa sa Quezon City da Hulyo 22.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), pangangasiwaan ng MMDA ang daloy ng trapiko sa bisinidad ng Batasang Pambansa.
Sinabi naman ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro na magsasagawa ang kanilang hanay ng road at sidewalk clearing operation sa lugar.
Ayon kay Miro, papayagan naman ang mga rallyista na magsagawa ng kilos protesta pero sa piling lugar lamang.
“Iginagalang naman po ng pamahalaan iyong kanilang right to express… expression ho ng kanilang saloobin pero hindi sana makakaabala sa pang karamihan,” pahayag ni Miro.
Bukod sa mga kontra sa gobyerno, may gagawin ding rally ang mga taga-suporta ni Pangulong Marcos.
Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na nasa 22,000 na pulis ang ipakakalat sa SONA
Magappatupad din ang PNP ng gun ban sa Hulyo 22 sa buong bansa.