Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
BUSY–Nag imbentaryo ang mga tauhan ng airport at pulis sa mga nasabat na abandonadong parcel ng disposable vape products na naglalaman ng cannabis oil sa DHL Cargo Warehouse sa Andrews Ave., NAIA Complex, Pasay City. Kuha ni Joseph Muego
Metro
Abandonadong parcel naglalaman ng cannabis oil, nasabat sa NAIA
Peoples Taliba Editor
Jul 19, 2024
458
Views
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mga cannabis oil sa abandonadong parcel na naglalaman ng disposable vape products sa DHL Cargo Warehouse sa Andrews Ave., NAIA Complex, Pasay City.
Idineklara ang mga parcel bilang toys na padala ng isang Jason An mula Portland, Oregon at naka-consign sa nagngangalan na Charles Santos ng Langit St., Sta. Cruz, Manila.
Nakapaloob sa abandonadong parcel ang plastic bags na naglalaman ng 10 boxes kung saan nakalagay ang limang disposable vape bawat box na may sangkap na 2 milliliter na marijuana oil.
Nai-turnover na ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nakumpiska para sa karagdagang imbestigasyon sa mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng illegal na droga papasok sa bansa.
JOSEPH MUEGO
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

