Jennylyn mercado

Jennylyn nalula sa bonggang regalo

Vinia Vivar Jul 19, 2024
57 Views

HALOS malula si Jennylyn Mercado sa mga bonggang regalo sa kanya ng Beautederm CEO and president na si Rei Anicoche-Tan.

Si Jen ang bagong endorser ng Beautederm at kilala naman natin si Miss Rei na talagang ini-spoil niya ang kanyang mga ambassador at laging binibigyan ng mamahaling regalo.

As for Jen, well, binigyan lang naman siya ni Miss Rei ng diamond tennis bracelet at Hermes bag na ikinawindang ng aktres. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Jen sa pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng skin care magnate.

Last Thursday ay opisyal na ni-launch si Jen bilang endorser ng newest facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums, ang Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty at Cristaux Retinol.

Very happy din ang aktres sa mga blessing na dumarating lately. Aside from this new endorsement ay kabubukas lang nila ng mister niyang si Dennis Trillo ng production company, ang

Brightburn Productions, kasabay ng pagpapagawa nila ng kanilang dream house.

Malapit na ring ipalabas ang reunion movie nila ni Dennis na Everything About My Wife produced by CreaZion Studios.