Billiion

Belle umani ng 1B views sa TikTok

Ian F Fariñas Jul 20, 2024
64 Views

SUNUD-SUNOD na music milestones ang natanggap ng new gen phenomenal star na si Belle Mariano matapos umani ng isang bilyong views sa TikTok ang kanyang awitin na “Bugambilya” at umarangkada sa 110 million streams ang kanyang musika sa Spotify.

Naging viral hit ang “Somber” album track na “Bugambilya” sa TikTok na may mahigit 36,000 videos nang gumamit ng awitin.

Nakapasok naman ito sa Top 10 ng Spotify Philippines Viral Songs Chart at Top 200 ng Spotify Philippines Daily Top Songs kung saan meron na itong 18 million streams.

Samantala, pinahanga ni Belle ang fans sa naganap na sold-out birthday concert na “Believe” noong Sabado (Hulyo 13) sa The Theatre at Solaire.

Nakasama niya roon ang special guests niyang sina Donny Pangilinan, Moira dela Torre, Denise Julia at Martin Nievera.

“I never imagined that my dreams would come to life. What once was just a wish, came true. Thank you to everyone who believed in me and continues to, to my ABS-CBN family, the directors, production, and crew of ‘Believe’ concert, my family, friends, and those who support me. I wouldn’t be here without you all,” saad ng StarPop artist sa Instagram post.

Bukod dito, inilunsad din niya ang bagong EP na “Believe” na umani ng 300,000 streams sa Spotify sa loob lamang ng 10 araw at umarangkada sa ikalawang pwesto sa iTunes Philippines Albums Chart.

Samantala, ang focus track naman nito na “Biglaan” ay tampok sa editorial playlists tulad ng Spotify OPM Rising at Tatak Pinoy.

Available na ang bagong EP ni Belle na “Believe” na iprinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Patuloy na pakinggan ang “Bugambilya” sa iba’t ibang streaming platforms.