Calendar
Speaker Romualdez nagpasalamat sa Singapore Red Cross
Sa $50, 000 donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Carina
NAGPASALAMAT si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa US $50,000 (o katumbas ng P2.925 milyon) donasyon ng Singapore Red Cross para sa mga nasalanta ng super typhoon Carina.
“I am sure that our people, especially those affected by the recent typhoon, deeply appreciate the kind gesture of our friends from Singapore,” ani Speaker Romualdez.
“On behalf of our people and President Ferdinand R. Marcos Jr., thank you, Singapore Red Cross,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Ayon kay Speaker Romualdez ang donasyon ay malaking tulong upang muling makabangon ang mga biktima ng bagyo.
“I am sure that at some future time, we will reciprocate the kindness of our Singaporean neighbors and other friends who are helping us,” dagdag pa ng mambabatas.
Ang donasyon na mula sa Singapore Red Cross (SRC) sa pamamagitan Philippine Red Cross.
Sa isang pahayag, sinabi ng SRC na ang pondo ay gagamitin para suportahan ang “emergency operations” ng Philippine Red Cross, sa pagpapaabot ng mga kinakailangang tulong sa mga pamayanang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
“The intensified rainfall, floods and landslides caused by the tropical cyclone have a devastating impact on families and communities. We are closely monitoring the situation and are in close communication with the Philippine Red Cross to ensure that our contribution provides the best support to the affected communities,” ayon kay Benjamin William, Secretary General/ CEO ng Singapore Red Cross.
Una na ring nagpahatid ng tulong si Speaker Romualdez at mga kasamahan nito sa Kamara para sa mga labis na nasalantang komunidad ng bagyong Carina at habagat.
Noong nakaraang Linggo, pinangunahan ng pinuno ng Kamara ang pamamahagi ng relief goods sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa lungsod ng San Juan, Marikina, Navotas, at Quezon City.