Martin3

Speaker Romualdez pinapabusisi sa Kamara flood control budget

77 Views

IPINAG-UTOS na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagbusisi ng Kamara sa masterplan para sa flood control hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Ayon kay Speaker Romualdez, “Gagamitin namin ang oversight function ng Kongreso para alamin kung napupunta ba talaga ang pera na inilalaan natin taon-taon para sa flood control”.

“Gusto rin nating malaman, base na rin sa ating nakita noong kasagsagan ng bagyong Carina at habagat, kung tama o epektibo pa ba ang masterplan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtugon sa mga baha,” anang House Leader.

Base sa datos ng House of Representatives, umabot sa P255 bilyon ang inilaan sa Department of Public Works and Highway (DPWH) para flood control noong nakaraang taon.

Aniya, “May nakalatag na masterplan ang DPWH hinggil sa mga pagbaha. Pero ang tanong natin ngayon, bakit tila hindi naging effective nitong kasagsagan ng Carina at habagat?”

“So with this inquiry aalamin natin kung yang masterplan na yan ay effective pa ba o hindi na,” ayon kay Romualdez.

Dagdag pa niya, “We also would like to find out kung yung biudget na inilalaan natin para dyan ay napupunta talaga dyan o hindi.”