Fire FIRE OUT AGAD–Ang nasunog na ikatlong palapag ng Lucky Chinatown sa Binondo, Manila na tumagal ng halos isang oras noong Lunes. Kuha ni JonJon Reyes

3rd floor ng Lucky Chinatown halos isang oras tinupok ng apoy

Jon-jon Reyes Jul 30, 2024
56 Views

HALOS isang oras na tinupok ng apoy ang isang bahagi ng 3rd floor ng Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Maynila noong Lunes.

Nagsimula ang sunog bandang alas-6:45 ng umaga at dakong alas-7:55 ng idineklarang fire out ng Manila Fire ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, kinordon ng mga pulis ang mall para walang makasalising kriminal na sasamantala sa sunog.

Sina Police Captain Conrado Punzalan Jr. at Police Captain Joel Roa ang pumoste ng todo para bantayan ang nasusunog na mall laban sa mga kawatan.

Nagsimulang masunog ang parte ng mall na malapit sa presinto, ayon sa report.