Calendar
Pangulo ng SG sinabing bukod tangi si Carlos Yulo
BILIB si Singaporean President Tharman Shanmugaratnam sa naging performance ni two-time 2024 Paris Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Sa bilateral meeting ni Shanmugaratnam kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Singaporean leader na “very impressive” ang ipinakitang gilas ni Yulo sa Olympic.
Sinabi pa ni Shanmugaratnam na real milestone ang ginawa ni Yulo dahil bukod tanging ang Filipino gymnast lamang ang atleta sa Southeast Asia na nakasungkit ng dalawang gintong medalya.
“There is just something very impressive about Filipino athletes. Mr. Yulo’s two golds… he is the only athlete from Southeast Asian, from an ASEAN nation who’s had two Olympic golds ever in any sport. So, it’s a real milestone. It’s a real milestone for all of us. I mean we shine a bit of the reflected glory of the Philippines,” pahayag ni Shanmugaratnam.
Sinabi pa ni Shanmugaratnam na national pride si Yulo.
Ikinatuwa naman ito ni Pangulong Marcos.
Ibinida ni Pangulong Marcos kay Shanmugaratnam na binigyan ng heroes welcome si Yulo at ang 21 pang atleta na sumabak sa Olympic.
Sinabi ni Pangulong Marcos kay Shanmugaratnam na binigyan din ng magarbong parada ang mga Olympians.
Ayon sa Pangulo, ang tagumpay ng mga Filipino Olympians ay salamin ng tagumpay ng lahat.