cristine reyes

Cristine naglaho bigla sa IG, misteryo sa netizens

Vinia Vivar Aug 16, 2024
36 Views

Palaisipan sa fans ni Cristine Reyes at sa maraming netizens ang pagde-deactivate ng aktres ng Instagram account nito.

Palaisipan sa netizens kung bakit wala si Cristine sa 30th birthday celebration ng boyfriend na si Marco Gumabao noong August 14.

Maging sa birthday post ng aktor ay hindi niya binanggit ang girlfriend.

Narito ang buong post ni Marco: “Not so Dirty Thirty.

“Grabe, parang kailan lang 29 palang ako, ngayon 30 yrs old na

“Of course I wanna thank God for all the blessings that he has given me. Also all the trials, hardships and lessons that came in my life because that’s what made me to the man I am today.

“At sympre, sa mga tugang kong bicolano sa partido igwa po akong regalo para saindo gabos. ako po ay mapa birthday concert sa Goa central school para saindo sa Petsa desiotso mapoon ning alasais ning banggui, dadarahon kopo saindo sa @adadieee asin si @aljames para sympre makapag tao po saindo nin kaugmahan, sa gabos po mag hirilingan kita duman.”

Sa comment section ay nagtatanong ang netizens kung bakit wala si Cristine sa celebration at kung break na ba sila. Wala namang sagot si Marco tungkol dito.

Pero sa Facebook account ni Cristine ay binati naman niya ang boyfriend.

Nag-upload ang aktres ng sweet photo nila ni Marco sa FB Story at caption niya, “mahal ko yan. 30 na yan siya.”

Kaya lalong nalito ang netizens kung ano ba talaga ang real score sa pagitan ng dalawa.