Magsino1

Pagpapataas sa meal at medical allowance ng mga bilanggo, hiniling ni Magsino sa BJMP

Mar Rodriguez Aug 17, 2024
89 Views

𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗻𝗶 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝘀𝘀𝗮 “𝗗𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿” 𝗣. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝘂𝗻𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗝𝗮𝗶𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗲𝗻𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 (𝗕𝗝𝗠𝗣) 𝗻𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗶𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 “𝗺𝗲𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗮𝗻𝗰𝗲” 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗯𝘂𝗻𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝗻𝗼𝘀-𝗹𝘂𝗻𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗶𝘁𝗮𝗻.

Sa ginanap na budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa 2025 proposed national budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), Inilatag ni Magsino sa kaniyang “interpellation” ang kaniyang panukala upang mapabuti ang nakakalunos na sitwasyon ng mga bilanggo sa buong bansa.

Ayon kay Magsino, personal umano niyang nasaksihan ang kahabag-habag na kalagayan ng mga preso matapos niyang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan noong nakaraang taon sa loob ng compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para makapag-hatid ng saya para sa mga bilanggo.

Dahil dito, hinihiling ni Magsino kay BJMP Dir. Ruel S. Rivera na mapabuti nito ang badyet sa pagkain ng mga preso mula sa P70 per meal ay maitaas ito sa P100 sapagkat kung mayroon aniyang magkasakit na bilanggo ay maaaring mas malaki pa ang maging gastusin ng DILG.

Ikinagalak ng OFW Party List Lady solon na sa ilalim ng proposed budget ng DILG para sa susunod na taon, malaki ang budget na nakalaan para sa BJMP na nagkakahalaga ng P23.872 billion na gagamitin para sa pagpapatayo ng mga bagong gusali at iba pang pasilidad.

“Noong ako po ay mag-birthday noong isang sa loob ng kulungan para makasama at makapag-hatid saya para sa ating mga bilanggo. Pero puwede po ba Mr. Secretary, ang request po ng OFW Party List ng inyong lingkod na ma-improve po ang pagkain ng ating mga kapatid na bilanggo. Sana ma-improve po kasi ang iniisip po natin dito ay ang kanilang safety at ang kanilang kalusugan,” wika ni Magsino sa BJMP.

Bilang tugon sa kahilingan ni Magsino, sinabi ni Dir. Rivera na nagkaroon na sila ng “request” para maitaas sa P100 mula sa kasalukuyang P70 ang badyet sa pagkain ng lahat ng mga bilanggo. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng increase sa medical allowance nila mula sa kasalukuyang P15 ay maitaas ito sa P230.

“Thank you Mr. Chairman. Yes, we have a request of one hundred pesos from seventy pesos and also from fifteen duon po sa mga medical nila duon sa mga medicines nila two hundred thirty pesos. I hope and pray na all of you here will support us duon po sa call ng BJMP to alleviate yun pong nararanasan ng ating mga kapatid na bilanggo,” tugon naman ni Rivera.