PBBM

PBBM pagsisikapang maglabas ng bagong polisiya sa tungkulin, serbisyo ng LGU sa ilalim ng EO 138

Chona Yu Aug 23, 2024
61 Views

PAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bong Ong” Marcos Jr. na maglabas ng bagong polisiya na magtatakda ng mga tungkulin, serbisyo, at pasilidad na ibababa sa mga lokal na pamahalaan.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Local Governance Summit sa Pasay City, sinabi nito na aamyendahan ang Executive Order No. 138 na nilagdaan noong 2021 para mayroong mas malinaw na mga parameter sa mga tungkulin at serbisyo para sa mga lokal na pamahalaan.

“We have been working on this for a good long while and I think we have found a formula wherein we divide the funding according to the way that we determine services belong to… as a responsibility to the national government, other services belong to the local government,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng Mandanas vs. Garcia ruling ng Korte Suprema, ang tamang bahagi ng mga LGUs mula sa pambansang buwis ay hindi limitado sa mga buwis sa kita na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue kundi kasama rin ang mga koleksyon ng Bureau of Customs.

Ito ay nagpalawak nang malaki sa tax base kung saan kinukuwenta ang bahagi ng LGUs, kaya’t pinalakas ang fiscal decentralization.

Kaya ayon kay Pangulong Marcos na kapah malinaw ang mga parameter, magkakaroon ng mas malaking kakayahan ang mga LGUs na ipatupad at i-localize ang Sustainable Development Goals (SDGs).

Ang Local Government Summit ay ginaganap taun-taon upang i-update ang mga lokal na yunit ng gobyerno at mga stakeholder sa pinakabagong pag-unlad sa pamamahala, ibahagi ang mga pinakamahusay na kasanayan sa digital transformation at climate resilience, at palakasin ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng SDGs.