Abra Source: Fb

Malacanang sinuspinde vice governor ng Abra

Chona Yu Aug 24, 2024
52 Views

SINUSPINDE ng Malakanyang si Abra Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos ng 18 buwan dahil sa utos nito na i-lockdown ang isang ospital noong siya pa ang gobernador sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic noong 2020.

Suspendido ang bise gobernador dahil sa oppression at pang-aabuso sa kapangyarihan sa ilalim ng Local Government Code at conduct unbecoming of a public official sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ayon sa Malakanyang.

“The vice governor was suspended 18 months effective immediately upon receipt of the order,” sabi ng order.

Pirmado ang suspension order ni Deputy Executive Secretary for legal affairs Anna Liza Logan at aprubado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Disyembre 2020 nang maghain ng administrative complaint si Dr. Voltaire Seares, medical director ng Dr. Petronillo Seares Sr. Memorial Hospital laban kay Valera-Bernos.

Ipinasara kasi ni Valera-Bernos ang ospital matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang nursing attendant.