Chua di nagustuhan asta ni VP Sara sa budget hearing ng House Committee on Appropproations

Mar Rodriguez Aug 28, 2024
89 Views

๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—๐—ผ๐—ฒ๐—น ๐—ฅ. ๐—–๐—ต๐˜‚๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น ๐—ผ ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ-๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฝ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐˜†๐˜‚ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป (๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ).

Dahil dito, binatikos ng kongresista ang tila palaban, paiwas at kawalang galang na pagtugon ng Pangalawang Pangulo sa mga ipinupukol na katanungan ng mga kasamahan nitong mambabatas kaugnay sa inilatag na proposed national budget ng Office of the Vice-President (OVP) para sa taong 2025.

Ayon kay Chua, umiiwas si VP Sara Duterte na sagutin ang mga katanungan ng mga kongresista at sa halip na sumagot ng maayos ay tila palaban pa ang kaniyang mga tugon kung saan halatang-halata aniya na ayaw nitong makipag-tulungan sa isinasagawang budget deliberation ng nasabing Komite para sa OVP.

Bunsod ng pangyayaring ito, tahasang sinabi ni Chua na mistulang harap-harapang ipinakita ni VP Sara ang kaniyang totoong “kulay” at para na rin din nitong ipinaramdam na walang maaaring kumanti sa kaniya kahit pa ang mga kongresista.

Pagdidiin pa ni Chua na ang naging asal at asta ni VP Sara sa budget deliberations ng Committee on Appropriations ay nagpapakita din ng kaniyang lantarang paglapastangan sa Konstitusyon at kawalan naman ng respeto sa Kamara de Representantes na may “oversight authority” sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

“At the budget hearing for the Office of the Vice-President, VP Sara Duterte was combative, evasive, disrespectful and uncooperative. By het actions, decorum and demeanor. The Vice-President showed her true dark colors in her refusal to respect the constitutional power of Congress about the budget and oversight authority on the operations of all government agencies,” ayon kay Chua.

Hindi rin nagustuhan ng Manila solon ang tila “pagpi-feeling marunong” umano ni VP Sara Duterte na ang nais nitong mangyari ay siya pa ang magdidikta kung papaano dapat isagawa ang budget hearing ng House Committee on Appropriations.

“The VP tried to take over and dictate to the budget subcommittee how to conduct the hearing,” naiinis pang wika ni Chua sa naging asta ni VP Sara.

Maging si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano ay hindi rin nagustuhan ang pabalang-balang na pagtugon ng Pangalawang Pangulo sa tanong ng mga kongresista matapos nitong ipahayag na hindi dapat ganoon ang naging pag-uugali ni VP Sara lalo na at siya ang pangalawang mataas na opisyal ng bansa.

Sabi ni Valeriano, parang nakalimutan umano ni VP Sara ang aral patungkol sa “good manner and right conduct” sapagkat kitang-kita ng buong mamamayan ang inasal nito na hindi magandang ehemplo para sa mga kabataan.