Sekyu Patay ang isang lalaki matapos barilin ng suspek na pamangkin niya sa Tondo, Maynila. Kuha ni JonJon Reyes

Bebot minolestiya, suspek tinodas ng sekyung ama

Jon-jon Reyes Aug 29, 2024
68 Views

ARESTADO ang security guard na bumaril sa likod at nakapatay sa kanyang tiyuhin noong Agosto 11 dahil sa umano’y minomolestiya ang kanyang anak na babae sa Tondo, Maynila kamakailan.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), lolo ang 57-anyos na biktima ng menor de edad na dalagita na anak ng suspek.

Binaril ng sekyu ang biktima nang matuklasan na minomolestya ang kanyang 15-anyos na anak habang nagpapamasahe sa mahabang panahon.

Nagsampa ng reklamo ang suspek laban sa biktima pero nang malaman ng suspek na hindi agad maaresto ang biktima nagpasya itong patayin na lang ang biktima.