Calendar

Dy nanguna parin sa inagurasyon ng kaniyang proyekto sa Isabela
๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ “๐๐ป๐ป๐ผ” ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ฑ๐ฒ๐น๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐, p๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐๐ถ-๐บ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Aminado ang House Deputy Majority Leader na hindi sila magkanda-ugaga dahil sa dami ng kanilang mha trabaho sa Kongreso na sinabayan pa ng kasalukuyang pagtalakay nila sa 2025 proposed national budget na isinusumite ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Sabi ni Dy na naisisingit pa rin nila sa kanilang napakahigpit na schedule ang pangangasiwa sa mga proyektong pinasimulan nila sa kanilang mga distrito lalo na kung mayroon itong kinalaman sa imprastraktura.
Ipinabatid ng kongresista na pinangunahan nito ang inagurasyon ng bagong paggawang multi-purpose building project sa Barangay Centro 1 sa San Guillermo, Isabela na nagkakahalaga ng P4 million.
Ayon kay Dy, ang naturang multi-purpose building ay ilan lamang sa mga nakahilerang proyekto nito sa kanilang lalawigan kabilang na dito ang pagpapatayo ng mga bagong silid paaralan at mga bagong paaralan para matulungan ang libo-libong mag-aaral ng Isabela para magkaroon ng maayos at kombinyenteng eskuwelahan.