Calendar
Tingog Party-list nagbigay ng tulong sa 2,000 residente ng QC, San Juan
BILANG bahagi ng misyon nito na tuloy-tuloy na matulungan ang mga nangangailangan, namahagi ng tulong pinansyal sa tig-1,000 residente ng Quezon City at San Juan ang Tingog Party-list, sa pangunguna nina Rep. Yedda Marie Romualdez at Rep. Jude Acidre, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ang pamimigay ng tulong ay sinabayan ng pagbubukas ng dalawang Tingog Centers para sa mabilis na pagpapaabot ng tulong ng gobyerno sa mga nangangailangan.
Noong Huwebes, Agosto 29, nagkaloob ang Tingog Party-list ng tig-P3,000 cash assistance sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 1,000 benepisyaryo sa Project 4, Quezon City.
Pinasinayaan din ang Tingog Center doon kasama sina Rep. Franz Pumaren, Barangay Captain Roberto Matty Perez at Councilors Chuckie Antonio, Julian Coseteng at Luigi Pumaren.
“Tingog remains committed to helping Filipinos, especially the poorest of the poor,” ani Acidre. “We are constantly expanding our reach through our centers, that has now reached 136 nationwide.
We aim to establish a total of 200 Tingog Centers nationwide before this year ends.”
Noong Biyernes naman, Agosto 30, bumisita ang Tingog Party-list sa San Juan City para mamahagi ng tig-P3,000 sa ilalim ng AKAP sa 1,000 benepisyaryo.
Binuksan din ang bagong Tingog Center doon para mailapit sa publiko ang tulong ng gobyerno. Sinaksihan ito nina Rep. Bel Zamora, Mayor Francis Zamora, Vice Mayor Angelo Agcaoili at ang lokal na pamahalaan ng San Juan.
Matatagpuan ang dalawang Tingog Centers sa ikalawang palapag ng Brgy. Marilag Multipurpose Building sa Project 4, Quezon City, at sa F. Sevilla Street, Brgy. Pedro Cruz, San Juan City.
“Tingog Centers aim to ensure that government programs and initiatives reach the grassroots level effectively to improve the quality of life and promote inclusive development,” pagtatapos ni Acidre.