DSWD Source: DSWD

P16M halaga ng ayuda ibinigay ng pamahaalan sa mga biktima ng bagyong Enteng

Chona Yu Sep 3, 2024
51 Views

AABOT sa P16 milyong halaga ng ayuda ang ibinigay na tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Enteng.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), galing ang pondo sa Department of Social Welfare and Development.

Nasa 303,938 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa P2.67 bilyon pa ang available na relief assistance para sa oras ng sakuna.

Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), 12 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa bagyo.

Nasa 767 na barangay mula sa Regions II, III, Calabarzon, V, VI, VII, VIII ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 80,000 na pamilya o 303, 938 katao ang naapektuhan ng bagyo.

Kasabay nito, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang local government units na bilisan ang pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Enteng.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Natural Calamities Disasters spokesman Joey Villarama, ang LGUs ang mangunguna sa pagbibigay ng ayuda habang aalalay naman ang national government.