Acidre House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre

Hamon kay VP Sara: Harapin, huwag takasan, natuklasang iregularidad ng COA sa paggamit ng pondo

90 Views
Bongalon
House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Jil Bongalon

HINAMON ng dalawang lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte na harapin ang mga resulta ng pagsusuri ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng paggamit ng pondo ng Department of Education (DepEd) sa halip na magpakalat ng walang batayang akusasyon upang mailihis ang atensyon ng publiko.

Iginiit ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Jil Bongalon na dapat mayroong transparency at may pananagutan ang paggamit ng pondo na mula sa buwis ng taumbayan.

“The COA report paints an alarming picture of DepEd’s failures under Vice President Duterte’s leadership. Completing only 192 out of 6,379 target classrooms is not just a minor oversight—it’s a gross neglect of duty,” ani Bongalon.

Kinondena rin ni Bongalon ang Bise Presidente sa paninisi sa iba gaya ng alegasyon na siya ay pinagkakaisahan ng “Makabayan-Romualdez-Marcos” samantalang siya ang gumamit ng pondo ng DepEd.

“This is not about politics; it’s about the future of our children and the efficient use of public funds,” giit pa ni Bongalon.

Paglilinaw ng mambabatas, kahit pa nagbitiw na bilang kalihim ng DepEd, si VP Duterte ay hindi makatatakas sa mga pananagutan sa kanyang mga nagawa.

“These problems are now left to her successor, Secretary Sonny Angara, who is expected to clean up the mess she left behind,” ayon pa kay Bongalon.

Dagdag pa ng mambabatas: “The COA findings are a call to action, not an opportunity for diversion. We need answers, and more importantly, we need solutions.”

Iginiit naman ni House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na ang mga nasilip na iregularidad ng COA ay dapat direktang harapin ng Bise Presidente.

“The COA’s findings on the minimal completion of Last Mile Schools and the inefficient use of the Basic Education Facilities Fund are not just numbers on a page—they represent broken promises to our most vulnerable students,” saad pa nito.

Punto pa ni Acidre, “Vice President Duterte’s attempt to shift the focus to rising food prices and political conspiracies is a disservice to the millions of students who rely on DepEd to provide a conducive learning environment. She must account for these failures, and we expect no less.”

Sinusugan din ni Acidre ang pahayag ni Bongalon na hindi nangangahulugan na ang kanyang pagbibitiw ay maglilipat ng responsibilidad sa kanyang nagawa sa hahalili sa kanya.

“The Filipino people, especially the students, deserve an explanation for why only 3.41% of the Last Mile Schools were completed and why so many classrooms remain unfinished or unrepaired,” ayon pa kay Acidre.

“Leadership is about owning up to shortcomings and taking concrete steps to rectify them, not about making excuses,” giit pa ng mambabatas.