Calendar
Pagbusisi sa budget ni VP Sara walang pulitika ayon kay PBBM
WALANG nakikitang pulitika si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbusisi ng mga mambabatas sa panukalang budget ni Vice President Sara Duterte.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos, sinabi nito na bahagi ng proseso ng budget deliberation na alamin kung saan at kung ano ang pagkakagastusan sa pondo ng bayan.
“This is something that every single government agency has to do. So, it’s a hearing. There’s no politics in it. We do it every year. We do it with the same department. We do it. That process is well-established. It has nothing to do with politics. It has to do with the budget. So, I don’t know she can characterize these things which is essentially an information gathering exercise for the House and for the Senate so that they know what the budget will look like,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So, parang malayo sa pulitika ‘yun,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang sinabi ni Duterte na pinupulitika ng mga kaalyado ni Pangulong Marcos ang panukalang budget ng Office of the Vice President.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na sila nagkausap pa ni Duterte mula nang magbitiw na kalihim ng Department of Education noong Hunyo.
“No, not at all. Not at all. The last time I spoke to her was when she handed me her resignation. Then, we haven’t spoken since,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Iginagalang naman ni Pangulong Marcos ang paghingi ng tawad ni Duterte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ nang umapela noon na iboto ang Pangulo.
“That’s her prerogative. I still don’t understand why. That is her wish, wala tayong magagawa,” pahayag ni Pangulong Marcos.