Calendar
Speaker Romualdez tiniyak tulong ng Kamara kay PBBM para mapanatiling abot-kaya presyo ng pagkain, bilihin
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na makatutuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kamara de Representantes upang mapanatiling mababa ang presyo ng pagkain at iba pang bilihin.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag bilang tugon sa panagko ni Pangulong Marcos na patuloy na magpapatupad ang gobyerno ng mga hakbang upang gawing abot-kaya ang mga pagkain at iba pang bilihin.
Ang pahayag ay sinabi ng Pangulo matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation sa buwan ng Agosto sa 3.3 porsiyento, o pagbaba ng 1.1 percentage point mula sa 4.4 na porsiyento na naitala noong Hulyo.
“We will help the President by approving pieces of legislation and exercising our oversight power to keep prices down, untangle bottlenecks in the distribution chain that push prices up and to expose abusive practices like hoarding and price manipulation,” ayon kay Speaker Romualdez.
Sinabi niya na ang pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan ay nangangahulugang nagtatagumpay ang mga hakbang ng pamahalaan tulad ng direktang pagbebenta ng bigas sa mahihirap sa pamamagitan ng Kadiwa stores at ang desisyon ng Pangulo na ibaba ang taripa sa pagaangkat ng bigas.
“It was meant to be. It was not a fluke,” saad pa nito.
Dagdag pa niya na ang mga antas ng inflation tuwing Hulyo at Agosto ay karaniwang nasa mataas na antas dahil ito ang simula ng tag-ulan, kung saan mas mahirap para sa mga producer at distributor na mag-transport ng mga produkto.
Binanggit ng lider ng Kamara na noong Agosto 2023, naitala ang inflation sa 5.3 porsiyento, na nangangahulugang mas mababa ng 2.3 porsiyento ang antas ngayong taon kumpara sa naitala dalawang taon na ang nakalipas.
“Managing inflation is a see-saw battle. The challenge for us is to keep it falling, or at least steady. And with the executive and legislative branches and of course, the private sector working together, I hope we succeed for the benefit of our people,” giit pa ni Speaker Romualdez.