Calendar
Madrona pinasalamatan si FL Lisa Marcos sa pagbubukas ng Presidential Museum sa Baguio City
𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗻𝗴 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗟𝗼𝘂𝗶𝘀𝗲 “𝗟𝗶𝘀𝗮” 𝗔𝗿𝗮𝗻𝗲𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗠𝘂𝘀𝗲𝘂𝗺 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗻𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗶𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴𝘂𝗿𝗶𝗮𝗻𝗴 “𝘃𝗮𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗰𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀”.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Madrona kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa muling pagpapabalik nito ng Baguio City Mansion, ang bahay bakasyunan ng mga Pangulo ng bansa.
Paliwanag ng kongresista na mahaba na ang kasaysayan ng Baguio City Mansion kaya nakakapanghinayang kung mananatili na lamang itong isang alaala at hindi man lamang masisilayan ng publiko o ng mga turistang nagtutungo sa Baguio City gaya ng nakagawian na sa mga nagdaang panahon.
Ayon kay Madrona, ang restoration ng Baguio City Mansion ay maituturing na isang napakahalang proyekto sa aspeto ng turismo sapagkat hindi aniya mapapasubalian ang katotohanan na napakaraming turista ang dumadagsa sa Baguio City taon-taon lalo kung sumasapit ang Holiday season.
Sabi pa ni Madrona na hindi lamang isang simpleng restoration ang ginawa sa Baguio City Mansion bagkos kundi ang muling pagbuhay sa Philippine heritage sapagkat may mga lugar sa Baguio City ang naging bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas.
Samantala, ipinahayag ni Madrona na nag-courtesy call sa kaniyang tanggapan sa Kamara de Representantes si Commander Jethro Padama at ilang personnel mula sa Coast Guard Legislative Liaison Affairs (CGLLA). Nagkaroon ng talakayan patungkol sa House Bill No. 10838 na pinamagatang “An Act Strengthening The Philippine Coast Guard By Introducing Policy And Organizational Reforms” na inaasahang mabibigyan ng konsiderasyon ng House Committee on Rules bago ito maiharap sa Plenaryo.