Gapas Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan City Police at hepe nito na si P/Col. Paul Jady Doles sa pagkakadakip sa suspek.

Suspek sa panghahalay nakorner sa Caloocan

Edd Reyes Sep 10, 2024
29 Views

NAHULI ng mga pulis-Caloocan at Criminal Investigation and Detection Group Field Unit ng Aurora ang 21-anyos na akusado ng kasong panghahalay sa Congressional Road, Brgy. 173, Caloocan City noong Lunes.

Ayon sa pulisya, hindi na nakapalag si alyas John nang isilbi sa kanya dakong alas-8:00 ng gabi ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Teresa De Guzman-Alvarez ng Branch 131 para sa kasong rape.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan City Police at hepe nito na si P/Col. Paul Jady Doles sa pagkakadakip sa suspek.

Pansamantalang ipiniit sa custodial facility ng Caloocan police ang akusado habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Caloocan City Jail.