Carla

Carla na miss mga aso, nagmakaawa umuwi mula ospital

Vinia Vivar Sep 15, 2024
67 Views

Magaling na si Carla Abellana mula sa kanyang pagkakasakit last month kung saan ay na-confine siya ng tatlong araw sa hospital.

Sa panayam ng “24 Oras”, ni-reveal ng aktres na muntik na siyang magkaroon ng sepsis na isang life-threatening medical condition, ayon sa mga health website.

“Du’n ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, muntik na ako mag-sepsis. So na-confine ako for three days hanggang sa nag-beg na akong umuwi kasi na-miss ko ‘yung mga aso ko. Saka kailangan ko nang bumalik ng trabaho,” pahayag ni Carla.

“Thankfully pinayagan naman akong umuwi,” dagdag niya.

Okay na okay na raw siya ngayon base sa kanyang huling laboratory test.

“Wala na ‘yung infection, okay na, clear na ‘yung lab tests, x-ray, everything, so ‘yung ano na lang talaga, ubo,” aniya.

Ayon sa Mayo clinic, “Sepsis is a serious condition in which the body responds improperly to an infection. The infection-fighting processes turn on the body, causing the organs to work poorly. Sepsis may progress to septic shock. This is a dramatic drop in blood pressure that can damage the lungs, kidneys, liver and other organs. When the damage is severe, it can lead to death.”