Laguna

Umabot sa 142 crime suspek na nlambat sa Laguna

Gil Aman Sep 16, 2024
61 Views

KAMPO HENERAL Paciano Rizal–Umabot sa 142 katao ang naaresto dahil sa iba’t-ibang krimen sa Laguna, ayon kay P/Col. Gauvin Mel Unos, acting Provincial Director ng Laguna Police Office.

Nalambat ang mga suspek sa krimen mula Setyembre 9 hanggang 15 sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling, operation laban sa mga wanted ng batas at loose firearms sa buong Laguna.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Laguna police ng 37 na operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 50 na suspek.

Kumpiskado sa mga natimbog na drug suspek ang 167.76 gramo ng hinihinalang shabu at 0.9 gramo ng marijuana na may kabuuang halaga na P1,140,876.

Sa anti-illegal gambling, walo ang natiklo sa 22 anti-illegal gambling operations. Nasamsam sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na PP19,015.

Sa operasyon laban sa loose firearms, anim na operasyon ang inilunsad na nakakumpiska ng siyam na loose firearms at anim ang naarestong suspek.

Aabot sa 232 katao ang nahuli at natikitan sa Oplan Sita at 7,498 katao ang mga nahuli sa paglabag sa mga lokal na ordinansa.

“Ang anti-criminality operation ng Laguna PNP patuloy na lumalakas sa tulong at suporta ng ating pamayanan.

Makaaasa ang mga mamamayan na pipigilan at susugpuin ng kapulisan ang kriminalidad para sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng lalawigan,” ayon kay Col. Unos.